Awakening.

        Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Hapon na ako nagising kanina dahil ang ingay ng Tatay ko. Nakikipag-chat pala siya sa Tita kong nasa States kasi malapit na siya umuwi dito. Magba-bakasyon sila sa Cebu kasi malapit na ata matapos yung pinapagawang bahay nila dun. Narinig ko si Ate..

“Oo. Sasama ako!”

“Oh, ikaw Ter? Wag ka muna mag-trabaho, sama ka muna samin.” Sabi ni Tita kay Kuya.

        Nakikinig lang ako. Nakapikit pa yung mata ko, ini-imagine ang magiging buhay ko sa Summer kung wala silang lahat dito. Ako lang mag-isa. Solo ang bahay. Solo lahat. Sumama ka na, please. Um-Oo ka. Yun lang iniisip ko.

“Oh, sige. Sama ako sa inyo.”

        YES. Matutuloy na din yung plano naming over-night ng mga kaibigan ko dito.

“Si Charie nasaan? Sasama ba yun?” Tanong ni Tita kay Papa.

“Nasa kwarto. Tulog—” Hindi na ko nakinig.

        Hindi ako sasama. Hindi na ‘to katulad nung mga bata kami na pwede niyo na lang dalhin at iwanan kung saan niyo gusto. Hindi ako papayag. Matanda na ko. Nasa edad na kong magpasiya para sa sarili ko. At hindi ako sasama. Yan ang desisyon ko.

        Pagkatapos ko lumabas ng kwarto at panuorin maglaro ang Ate ko sa Tetris na sobrang bano, naligo na ko. Tinext ko agad yung bestfriend ko kung nasan siya. Gusto ko lang lumabas. Gusto ko lang mabawasan yung pakiramdam ko na, na-miss ko na naman kalahati ng araw ko. Gusto ko lang patunayan sa sarili ko na marami pang pwedeng mangyari sa araw na ito.

        Hindi na talaga katulad ng dati ang mga bagay-bagay. Dadating talaga yung araw na kailangan mong bumitaw sa mga bagay na nakasanayan na. Hindi ang araw ang umiikot sa mundo. Ang mundo mismo.


theme by heloteixeira