Cut the bonds with the moon.
3 straight days nang napakaganda ng pagbilog ng buwan. Ang liwanag. Ang ganda. Di ko mapigilang tumitig.
Simula pa nung bata ako, hilig ko na talaga ang umakyat sa bubong at tumingin lang sa langit. Simula nung naituro samin ang tungkol sa Universe, stars, planets and constellations; sobrang napukaw yung atensyon ko ng Night Sky. Gusto ko pa nga maging Astronaut dati. Haha.
Pero hinding-hindi ko makakalimutan yung mga panahon na mabigat yung loob ko nung High School pa ko. Gabi na ko nakakauwi mga 7 ,tapos nagttake-out ako sa Mcdo at dun ako nakain sa bubong namin. Ang saya lang ng feeling na nakahiga ka lang dun. Nararamdaman mo yung lamig, pero comfort yung binibigay sayo. Nothing really beats a great view with great food.
Pero walang kwenta ang langit pag wala ang buwan. Ang empty. Walang kwenta. Para sakin kasi yung Moon yung center ng buong view tapos background lang yung stars. Ang sarap talaga ng feeling na titigan ang buwan. Pag nababalot ito ng ulap, parang nababalot ka rin ng lungkot at bigla din mawawala pag lumampas na ito.
Nakakalungkot lang na hindi ko na magagawa yun ngayon. Iba na kasi yung bahay namin. Nakakatakot na akyatin. Pero paminsan-minsan. Natambay pa rin ako sa Terrace namin tapos titingin lang ako sa langit.
Mapapawi na lahat. Mapapawi din lahat.