Isuko ang kaba, tuluyan kang bumitaw.
Hindi ko kayang gumawa ng isang bagay kung wala akong kasama. Ewan ko, natatakot kasi ako. Mapahiya, mag-fail, magmukhang tanga. Kaya nga lagi ko dinadahilan, “Ayos lang mapahiya, basta di ako mag-isa.” Di naman sa gusto kong manghatak ng iba pababa, parang kasi nababawasan yung bigat ng sitwasyon pag may kasama ka. Kaya talaga proud ako sa sarili ko pag nakakagawa ako ng isang importanteng bagay/task na walang halong tulong ng iba.
Ang tagal na namin hindi nagkikita ng matalik kong kaibigan na si Cesca kaya napagplanuhan namin na magkita nung Sabado. Sa UP Manila siya nag-aaral so, ako yung pumunta sa kaniya. Here’s the thing— Hindi ako marunong mag-commute pag labas na ng Las Pinas ang usapan. Takot ako. Napa-paranoid kasi ako. Ang dami kong naiisip. Pano pag may pumasok na mga snatcher sa bus? Pano pag bigla kaming ma-hostage? Pano kung sa ibang dimensiyon ako mapadpad?
Tinuruan niya ko ng dapat kong sakyan. Sinabi niya din yung mga landmarks. Kung tutuusin, ang lapit nga lang eh. Sabi ko naman, makakaya ko na ‘to basta sa unang beses may kasama ako. AYAW NIYA. Maraming beses na daw ako nakapunta dun, di ko lang daw tinatandaan. Eh, sa HINDI KO NGA MAALALA KASI. Pero kahapon, wala akong choice. Naghanap ako ng matinong bus papunta ng Lawton. Kinakabahan ako. Inaantok ako pero di ako natulog. Umupo ako malapit dun sa konduktor. Pagkalipas ng maraming kabog sa dibdib, narating ko rin ang Pedro Gil. May nagsabi sakin na malapit lang daw dun ang Robinson’s kaya dun na ko dumiretso. At Voila! Nakarating ako ng Maynila mag-isa.
Alam kong ang babaw pero ang saya sa feeling. NAKAPUNTA AKO MAG-ISA DUN. Nakagawa ako ng bagay na ako lang talaga.
Salamat, Cesca. Salamat, Mamang Kundoktor. Salamat, Robinson’s. Salamat, Guitar Freaks. Thank you, Lord.
AMEN.