Pag-agos.

        Hindi ko alam kung pano sisimulan ‘to. Hindi ko rin kasi maintindihan. Basta ang alam ko, merong mga bagay na hinding-hindi na mawawala sa sistema mo. Merong mga tao na kahit gaano na katagal, mananatili pa ring malaking bahagi ng buhay mo.

        Hindi ko lang lubos maisip na sa tinagal ng panahon, magkakaintindihan tayo ng ganito. Hindi ko inasahan na dadating yung araw na kaya na natin tumawa, tumingin sa isa’t-isa na walang bahid ng lungkot. Walang panghihinayang. Wala na yung sakit. Alam na natin kung ano yung nangyayari ngayon, at masaya tayo para sa isa’t-isa. Masaya.

        Wala akong pinagsisihan. Masaya ako kasi marami ako/tayong natutunan sa isa’t-isa. Naging bukas yung isip ko sa maraming bagay. Hindi na ko padadalos-dalos. Natuto akong mag-isip ng mas malalim. Mas naintindihan ko na kung bakit nangyayari ang isang bagay. Kung bakit may nawawala, kung bakit may dumadating. Kung bakit tayo nagmamahal at kung bakit din tayo nasasaktan. At anu’t anuman, tuloy pa rin ang takbo ng buhay.

        Patuloy lang dadaloy ang agos, pwede kang tumigil at malunod. O kaya’y sumama at mag-paanod.


#life  #love  #it  #goes  #on  #personal  
3 months ago with 1 note


  1. thetaxcollector posted this
theme by heloteixeira