2:11 AM

          Parang kanina lang ang dami kong gustong ilabas, tapos ngayon puro hangin na laman ng utak ko. Tonguena. Okay. Maglalabas na lang ako ng hinanakit mula sa aking pagkabata. Yes. Haha.

          Year 2000 nung nagsimula ako mag-aral sa Elementarya. Kinakabahan ako nun, lalo na pag di ko nakikita yung Lola ko sa bintana. Katabi ko pa yung mga bibong matatalinong bata kaya gusto ko na agad umuwi. Maganda naman yung guro namin noon. Maliit, maputi, maiksi ang buhok. Itago na lang natin siya sa pangalang, Ms. Sheila (kasi pag di ko naaalala pangalan ng babae, yan yung tinatawag ko). Pinagsulat agad kami at pinakanta at ang pinakamasaklap, pinag-drawing kami. Hindi lang ‘to basta bastang task kasi hindi kasing simple ng apple/orange yung pina-drawing niya kundi isang BAKA. Hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak, kasi una sa lahat, sa tinanda kong ‘to, di man lang ako makaguhit ng tuwid na guhit. Puta, baka pa kaya? Pangalawa, bakit BAKA? BAKIT?! Pwede namang mansanas, o kaya saging, o kaya ubas para bilog-bilog na lang. BAKA PA YUNG NAISIP NIYA. Buti na lang, yung kaklase naming si Ara, bata pa lang, magaling na mag-drawing. At sa kadahilanang siya pa lang ang nakakadiskubre ng talento niya noon, kala mo pila ng premiere night sa sinehan yung dami ng taong gustong magpaguhit sa kaniya. Nawalan na ko ng pag-asa. Naglakad na lang ako pabalik sa aking silya na puno ng katanungan.

          Bakit nga ba hindi ako nabiyayaan ng talento? Bata pa lang ako, sobrang gusto ko na matuto gumuhit. Inggit na inggit ako sa mga kaibigan ko na konting galaw lang ng kamay, pwede mo na ipa-frame yung ginuhit nila. Ewan ko, ang astig lang kasi nila. Siguro, masasabi ko na rin na attracted ako sa mga taong magaling gumuhit o kaya kumanta.

          Ano nga bang talento ko?

          Sabi nila marunong naman daw ako kumanta. Hindi lang ako kumbinsido dahil sa baba ng boses ko, di ko abot yung iba nota. Tsaka, nawawalan din ako ng gana pag nakakarinig ako ng mga swabeng boses. Gusto ko na lang makinig. Mahilig ako magbasa ng mga makabuluhan, pero hindi ako marunong magsulat (dito pa nga lang, hirap na ko). Ang dami kong gustong gawin sa buhay, pero pakiramdam ko kasi, kulang ako sa kakayahan. Ah, puta. Pak dis syit.

          Ayun, inabot ng kalahating oras ang pagbuhos ko ng hinanakit tungkol sa pagka-walang talento ko. Hanggang sa susunod na bullshit! Paalam!


4 months ago with 2 notes


  1. thetaxcollector posted this
theme by heloteixeira